^

Bansa

Magtipid na sa tubig!

Rudy Andal at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na ng gobyerno at simbahan ang paparating na El Niño kasabay ang panawagan sa publiko sa magtipid na sa paggamit ng tubig.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nakaamba ang matinding tagtuyot na mararanasan mula ngayong buwan.

Una nang sinabi ng PAGASA na iiral ang katamtaman hanggang malakas na El Niño nga­yong Setyembre, Oktubre at Disyembre hanggang sa unang bahagi ng 2016.

Magdudulot ng tagtuyot sa ilang lalawigan habang bababa ang lebel ng tubig sa mga dam. Kasama sa daranas ng tagtuyot ang Aurora, Quezon, Laguna, Camarines Norte, Catanduanes at Bohol dahil sa topograpiya at lokasyon habang mararamdaman ang mas mainit na panahon sa matataas na lugar sa Luzon at Mindanao.

“Sa ngayon ay pinag-aaralan ang mga opsyon at hindi pa naman talaga pumapasok doon sa kritikal na panahon. Inaasahan na ‘yung malubhang senaryo ng El Niño na ang manipestasyon ay ‘yung matinding tagtuyot sa mga food producing areas natin, ito ay makikita sa loob pa ng balance of September at ng last quarter of the year and going into the first quarter of 2016,” paliwanag pa ni Coloma.

“Pinaghahandaan ito pero hindi naman kaila­ngang maligalig ang ating mga mamamayan. Kailangang maging handa na magtipid sa paggamit ng tubig dahil nga pumapasok tayo dito sa sitwasyon na maaaring maging matindi ‘yung El Niño, at marami pang ibang mga action measures na pinag-aaralan patungkol naman doon sa pagtitiyak na meron tayong sapat na supply ng pagkain at ito ay maaaring makuha ng ating mga mamamayan sa rasonableng halaga,” dagdag ni Coloma.

Ganito rin ang pa­nawagan ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa publiko.

Inihayag ni Bishop Bagaforo na kinakaila­ngan pangalagaan ng publiko at ng industrial sector ang kalikasan upang hindi matapon at masayang lamang ang tubig.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BISHOP BAGAFORO

CAMARINES NORTE

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

COTABATO AUXILIARY BISHOP JOSE COLIN BAGAFORO

EL NI

SONNY COLOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with