P200 M na hirit ng mga Laude kay Pemberton, danyos hindi areglo
MANILA, Philippines —Pinabulaanan ng kampo ng nasawing transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude na nakikipag-areglo sila kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton para sa kasong murder.
Ipinaliwanag ng abogadong si Harry Roque na ang kanilang hinihinging P200 milyon ay para sa moral and exemplary damages
"Ang nais po namin ay mabayaran ito ni Pemberton matapos na mapatunayan na siya ay nagkasala pero hindi po ito settlement," pahayag ni Roque sa kaniyang panayam sa dzMM.
Itinanggi rin ng kampo ng biktima ang mga ulat na humihingi sila ng P38 milyon at anim na visa sa Estados Unidos kapalit ng pag-atras ng kaso.
"Imposible po 'yang prosesong 'yan dahil ito pong murder (ay hindi puwedeng) magkaroon ng aregluhan," dagdag ni Roque
Samantala, sinabi rin ni Virgue Suarez, isa pang abogado ng mga Laude, na hindi humihirit ng pera ang ina ni Laude na si Julita.
Nitong nakaraang linggo ay inamin ni Pemberton sa Regional Trial Court Branch 74 ang pagpatay sa Filipino transgender nitong nakaraang taon sa loob ng isang paupahang kuwarto sa Olongapo.
- Latest