Pananakot sa media kinondena
MANILA, Philippines - Mariing kinondena kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang ginawang pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang lalaki sa coffee shop ni ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna sa Quezon City.
Ayon kay Cayetano, maliwanag na isang uri ng pananakot ang ginawa ng mga suspek upang magparating ng mensahe kay Taberna.
Kinalampag din ni Cayetano ang gobyerno na dapat aniyang solusyunan ang mga extra-judicial killings at harassment incidents laban sa mga mamamahayag.
Nananatili pa rin aniyang pinaka-delikadong lugar sa mundo para sa mga mamamahayag ang Pilipinas.
“The Philippines continues to be one of the most dangerous countries in the world for media personalities to work. By the end of 2014, a total of 30 Filipino journalists have already been killed since 2010,” ani Cayetano.
Bilang mga miyembro ng “Fourth Estate,” ikinokonsidera aniya ang media na pinaka-makapangyarihang panlaban sa katiwalian.
“As the Fourth Estate, the media is considered to be one of our nation’s most powerful tools against graft and corruption, and is an essential ingredient for Philippine democracy. And yet, government remains unable to give members of the media the proper care and protection that they need in their line of work,” pahayag ni Cayetano.
- Latest