^

Bansa

3 holdaper, kalaboso

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Tatlo-katao na pinaniniwalaang notoryus na holdaper ang nasakote sa inilatag na operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Dino Balajo, 29;  Lipad Gali-Om, 35; at si Lando Gumitang, 45, mga residente sa Barangay Dallao sa nabanggit na bayan.

Napag-alaman na dakong alas-8 ng gabi nang holdapin ng mga suspek ang Shell Amancio Gasoline at Amancio Hotel sa Barangay Tarin­sing kung saan dinisarmahan pa ang guwardiya.

Agad namang humingi ng tulong ang ilang staff ng establisyemento sa mga awtoridad para  habulin  ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo na walang plaka.

Nasukol naman ang mga suspek sa Barangay Rizaluna sa nabanggit na bayan kung saan  narekober ang tatlong cal. 38 revolver, dalawang cal. 45 pistol, P1,770 cash, 2 cellphones at  dalawang motorsiklo na ginamit ng tatlo.

vuukle comment

ACIRC

AMANCIO HOTEL

ANG

BARANGAY DALLAO

BARANGAY RIZALUNA

BARANGAY TARIN

DINO BALAJO

LANDO GUMITANG

LIPAD GALI-OM

MGA

SHELL AMANCIO GASOLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with