^

Bansa

P100K reward sa magtuturo sa pumatay kay Pamana

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaloob ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng P100,000 sa sinumang makapagbibigay impormasyon kung sino ang pumatay sa Philippine Eagle na si Pamana.

Si Pamana bago napatay ay may mahigit dalawang buwan nang pinakawalan ng DENR sa wild upang makapamuhay ng maayos sa kagubatan.

Itinuturing naman ni DENR Secretary Ramon Paje na isang barbaric act ang pagpatay kay Pamana na kailangan maaresto at maparusahan.

Gayunman tiniyak ni Paje na hindi maapektuhan ng pagkamatay ni Pamana ang proyekto ng DENR na maparami pa ang natitirang mga Philippine Eagle na kanilang inaalagaan.

Si Pamana ay babaeng agila na may 3 tatlong taon. Siya ay natagpuang patay ng Philippine Eagle foundation biologists  at forest guard sa Mt. Hamiguitan Range Wildlife Santuary sa Davao Oriental noong nakaraang linggo.

Nakitaan ng metal fragment sa kanang dibdib si Pamana na hudyat na namatay ito sa tama ng bala ng baril.

Nanawagan din si Paje sa law enforcement units na nakakasakop sa lugar at sa mga residente doon na tulungan ang regional environment officials para tugisin ang pumatay kay Pamana.

ANG

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GAYUNMAN

ITINUTURING

MT. HAMIGUITAN RANGE WILDLIFE SANTUARY

PAJE

PAMANA

PHILIPPINE EAGLE

SECRETARY RAMON PAJE

SI PAMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with