^

Bansa

Pala-absent na kongresista ilalathala

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat nang idaan sa shame campaign ang mga kongresistang pala absent upang maging masipag sa pagdalo ng sesyon.

Sinabi ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga, suportado niya ang pa­nawagan na ilathala ang pangalan ng mga kongresistang tamad magtrabaho sa plenaryo.

Suhestiyon pa ng kon­gresista, dapat araw-araw ilathala sa mga pahayagan ang pangalan ng mga kongresistang wala sa sesyon para alam ng publiko kung ano ang attendance record ng kanilang halal na kinatawan sa kongreso.

Para kay Barzaga, hindi katanggap-tanggap na gamiting palusot ng mga kongresista ang kanilang trabaho sa distrito sa bawat pag-absent sa sesyon sa plenaryo.?

Kaya umano Lunes hanggang Miyerkules lamang ang kanilang ses­yon ay dahil inilalaan talaga ang Huwebes at Biyernes sa pag-uwi ng mga kongresista sa kanilang lalawigan o mga lugar para sa kanilang district work.

Sa nakalipas na mahigit tatlong linggo ay walang quorum ang Kamara kaya kahit ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region ay ni hindi halos umusad ang period of interpellation.

Noong Martes at Miyerkules lamang ng nakaraang linggo nagkaroon ng quorum subalit mabilis ding nag-alisan ang mga kongresista sa plenaryo kaya naudlot din ang debate sa BBL.

ACIRC

ANG

ATILDE

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION

BARZAGA

BASIC LAW

BIYERNES

ELPIDIO BARZAGA

MGA

MIYERKULES

NOONG MARTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with