^

Bansa

Consumer group nagpasaklolo sa DILG

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumulog ang isang consumer group kay DILG Secretary Mar Roxas na patawan ng kaukulang parusa ang Bureau of Fire Protection at ang local government ng Naga City, Cebu dahil sa umano’y pagbubulag-bulagan ng mga ito sa fire safety violations ng isang Liquified Petroleum Gas (LPG) producers sa nasabing probinsiya.

Sa liham ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) kay Roxas, sinabi nito na batay sa records ang LPG facility ng Petronas, na may kapasidad na makapag imbak ng mahigit na 4 million litro ng LPG ay nag- oope­rate ng walang kaukulang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa loob ng halos dalawang taon.

Sa kabila umano ng nasabing paglabag, ayon sa NCFCT, ang local government ng City of Naga ay pataluy lang na nag-iisyu ng quarterly ‘conditional’ Business Permits para sa operasyon ng nasabing pasilidad. “Ito ay lubhang irregular at labag sa Fire Code ng Pilipinas na nagtatakda na hindi pwedeng maisyuhan ang isang kompanya ng kaukulang business at occupancy permit ng hindi tumutupad at sumusunod sa itinakdang tuntunin ng FSIC.” ayon kay Jayson Luna ng  NCFC.

Sinabi pa ng NCFC na hindi pwedeng bigyang katwiran ng local government ng Naga na kaya conditional permits lamang ang kanilang ini-isyu ay upang pagaangin at pabilisin ang transaksiyon and proseso para sa pagtatayo ng negosyo upang maka-attrack ng mas maraming investors dahil buhay at ari-arian ang nakataya sa issue ng safety and welfare ng mamamayan.  Ayon pa sa NCFC, ang Bureau of Fire Protection (BFP) naman sa Naga Cit, Cebu ay tila nanunuod lamang at isinasawalang bahala ang seguridad ng publiko matapos itong tumangging mag -isyu ng kahit notice to comply o notice of violations sa Petronas.

Sinabi ng ng NCFC na tila naghuhugas ng kamay ang BFP, matapos idulog sa kanila ang mga umano’y paglabag na ginagawa ng Petronas sa itinakda ng Fire Code of the Philippines at ng implementing rules and regulations ng nasabing batas, matapos ikatwirang hindi sila pwedeng umaksyon dahil sa pending na kaso sa pagitan ng Petronas at Pryce Gases, Inc.

ACIRC

ANG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUSINESS PERMITS

CEBU

CITY OF NAGA

FIRE CODE

FIRE CODE OF THE PHILIPPINES

FIRE SAFETY INSPECTION CERTIFICATE

JAYSON LUNA

PETRONAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with