^

Bansa

P5 M intelligence fund hingi ng CHR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humihingi ng karagdagang intelligence fund ang Commission on Human Rights (CHR) para sa anila’y mas epektibong pagtatrabaho ng kanilang mga kawani.

Sa budget hearing sa Kamara, hiniling ng mga kinatawan ng CHR na gawing P5 milyon ang kanilang intel fund imbes na P1 milyon na kasalukuyan nilang natatanggap

Ayon kay CHR Commissioner Karen Lucia Gomez Dumpit, kailangan nila ito para sa quick reaction teams ng mga opisyal at imbestigador ng ahensiya at para sa mabilis na pagkakaloob ng ayuda sa mga biktima at saksi ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Bukod sa P5 milyon, nais din ng ahensiya na paglaanan sila ng P7 million lump sum fund sa ilalim ng personnel services para sa mga contractuals at consultants na nakatalaga sa mga tanggapan ng chairman at CHR commissioners.

vuukle comment

AYON

BUKOD

COMMISSIONER KAREN LUCIA GOMEZ DUMPIT

FUND

HUMAN RIGHTS

HUMIHINGI

KAMARA

MGA

MILYON

PARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with