Permit to campaign, permit to win ng NPA rebels tututukan ng AFP
MANILA, Philippines – Tututukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang modus operandi sa ‘permit to campaign’ at ‘permit to win’ na talamak na isinasagawa ng New People’s Army (NPA) sa mga kandidato kaugnay ng nalalapit na 2016 national elections.
Sa rekord ng AFP, kinokotongan umano ng mga rebelde tuwing election fever ang tumatakbong gobernador ng P500,000; bise gobernador, P300,000; kongresista P250,000 hanggang P300,000; bokal P200,000; mayor P100,000 hanggang P200,000; bise mayor P100,000.
Inoobliga rin umano ng mga rebelde ang mga pulitiko o kandidato na magbayad sa itinakda ng mga itong halaga kapalit ng proteksyon at hindi pananabotahe sa mga lugar na papasukin ng mga ito sa pangangampanya.
Ang modus na permit to campaign ng NPA rebels ay kapag hindi nagbayad ang kandidato ay isasabotahe ang pangangampanya ng mga ito sa kanilang mga balwarteng teritoryo.
Sa ‘permit to win’ ay may banta ng paglikida ang kalaban o takutin ng mga armadong rebelde, kidnapping at iba pa hanggang sa mapilitang iatras ang kandidatura.
- Latest