^

Bansa

Rizal Alih pumanaw na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namatay na si Rizal Khan Alih, ang dating police officer na nagrebelde at namuno sa Camp Cawa-Cawa siege na ikinasawi ng isang hene­ral, isang colonel at 12 iba pa noong 1989 sa Zamboanga City.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, dakong alas- 6:17 nitong Biyernes ng gabi ng dumaing ng paninikip ng dibdib si Alih sa kaniyang detention cell sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City kaya isinugod sa PNP General Hospital.

Gayunman, bandang alas-6:45 ng gabi ay binawian ng buhay si Alih, 69, na ayon sa mga doktor ay sanhi ng kumplikasyon sa mga sakit nito bunga ng katandaan.

Nag-execute naman ng waiver sa mga opisyal ng PNP ang pamangkin ni Alih na si Ria Tan na maimbestigahan pa ang sanhi ng pagkamatay ng tiyuhin at isailalim ito sa autopsy dahil sa tradis­yon ng mga Muslim na mailibing ang bangkay sa loob ng 24 oras.

Magugunita na noong Enero 5, 1989 ay pinamunuan ni Alih ang pag-atake sa Camp Cawa-Cawa sa Zamboanga City kung saan napatay matapos na masunog ang kampo sina Brig. Gen. Eduardo Batalla, chief of staff nitong si Col. Romeo Abendan at 12 iba pa.

Sinasabing nag-ugat ang pangho-hostage ng grupo ni Alih sa heneral matapos itong tumangging magpalipat ng destino sa Maynila na humantong sa pakiki­pagtalo nito kay Batalla na nauwi sa malagim na trahedya.

Nagawang makatakas ni Alih matapos ang 3 araw na siege kung saan ay tumanggi itong sumuko sa sumugod na security forces at nagtago na sa Malaysia hanggang sa maaresto noong 2006 sa nasabing bansa.

Ang renegade police officer din ang itinuturong nasa likod ng pagpatay kay dating Zamboanga City Mayor Cesar Climaco noong Nobyembre 14,1984.

Matapos ma-extradite sa Malaysia ay ikinulong si Alih sa PNP Custodial Center sa Camp Crame upang pagbayaran ang nagawa nitong krimen.

ACIRC

ALIH

ANG

CAMP CAWA-CAWA

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

EDUARDO BATALLA

GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY

RIA TAN

ZAMBOANGA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with