^

Bansa

‘Panloloko’ ng HGC pinalagan ng LP

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na rin natutuwa ang Liberal Party sa umano’y “pang-aabuso” ng mga opisyal ng Home Guaranty Corporation (HGC) matapos ibisto ni Caloocan Rep. Edgar E­rice ang umano’y panloloko ng mga opisyales nito sa mga miyembro ng Kongreso.

Sinabi ni Erice sa isang privilege speech na, bagaman nagpahayag ang HGC na makipagtulungan sa mga mambabatas upang resolbahin ang mga ‘legal property disputes’ ng korporasyon at maisalba ito sa pagkalubog sa mga bilyones nitong pagkakautang, iba naman aniya ang ginagawa ng grupo ni HGC President Manuel Sanchez.

“Heto po. Kopya ng Invitation to Bid na ipi­nalabas ni HGC Vice President Corporate Services Group Corazon Corpus. Pursigido tayo sa matinong tuusan at kalutasan pero meron para silang malagim na balak. Anong kalokohan ito, Mr. Speaker? Malinaw na harap-harapan tayong niloloko ng Home Gua­ranty Corporation,” diin ng mambabatas.

Hininala pa ni Erice na ang mga balak na pagbebenta ng HGC sa mga pag-aari nito ay isang ‘express midnight pabaon’ sa mga opisyal nito dahil noon pang Hunyo 30 pormal na natapos ang kani-kanilang mga termino at nasa ‘hold-over capacity’ habang hindi pa naitatalaga ng Malacañang ang kanilang mga kapalit.

Nakagugulat aniya na malamang tumatanggi ang HGC na makipag-a­yos sa mga kaso sa kabila ng mga alok upang maibsan ang mga obligasyon nito at magampanan ang mahalagang misyon nito bilang ‘guarantor’ sa mga programang pabahay ng gobyerno.

Batay rin aniya sa datos ng Commission on Audit (COA), mula 2006 hanggang 2012, lubog na ang HGC matapos umabot sa P16.8 bilyon ang pagkakautang habang P3.4 bilyon lang ang halaga ng mga ‘assets’ nito.

Inihalimbawa ni Erice ang alok ng R-II Builders na bayaran ang HGC ng P2.9 bilyon para maayos ang gusot sa ‘Smokey Mountain Development Reclamation Project (SMRDP) sa Tondo, Maynila na aniya ay tinanggihan ng HGC upang maibenta ang lugar sa halagang P1.8 bilyon sa pamamagitan ng ‘public bidding.’

ACIRC

ANG

CALOOCAN REP

EDGAR E

HGC

HOME GUA

HOME GUARANTY CORPORATION

LIBERAL PARTY

MGA

MR. SPEAKER

PRESIDENT MANUEL SANCHEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with