^

Bansa

Suporta ng NPC kay Mar bitin pa rin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng naging pulong kamakalawa, hindi pa rin maipangako ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang kanilang suporta sa standard bearer ng administrasyon na si DILG Secretary Mar Roxas.

Matatandaan na nakipagpulong si Roxas sa mga miyembro ng NPC sa headquarters ng Liberal Party sa imbitasyon ng LP.

Ayon kay NPC President at House Deputy Speaker Giorgidi Aggabao, importante na hindi lamang nila pa­kinggan si Roxas kundi iwasan ang anumang hidwaan sa pagitan ng NPC at LP.

Sinabi naman ni Quezon Rep. Mark Enverga, tagapagsalita ng NPC contingent sa Kamara, na ang kanilang pakikipagpulong kay Roxas ay bahagi ng kanilang proseso ng konsultasyon at alamin ang plataporma ng Kalihim.

Paliwanag pa ni Enverga na gagawin din nila ito sa ibang presidentiables para makita kung sino ang may plataporma na akma sa mga prinsipyo ng NPC.

Ayon naman kay NPC spokesman at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na hinihikayat talaga nila ang mga miyembro ng kanilang partido na makinig at kila­lanin ang mga deklaradong kandidato.

Makatutulong umano ito para makabuo ng mahusay na desisyon ang NPC sa kung sino ang karapat-dapat nilang suportahan para sa 2016 elections.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

HOUSE DEPUTY SPEAKER GIORGIDI AGGABAO

LIBERAL PARTY

MARK ENVERGA

NATIONALIST PEOPLE

NPC

QUEZON REP

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with