^

Bansa

Kapatid ni CGMA pumanaw na

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumanaw na ang nakatatandang kapatid ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Arturo dela Rosa Macapagal, 72.

Ayon sa abogado ni Arroyo na si Larry Gadon, alas-6:40 ng umaga kahapon nang bawian ng buhay si Arturo na naka-confine sa Makati Medical Center dahil sa sakit na prostate cancer.

Kaugnay nito, pinagbigyan ng Sandiganbayan si Arro­yo para sa 3 araw na furlough para makapunta sa burol ng kapatid sa The Heritage Park sa Taguig City.

“After deliberating on the matter, and considering the urgency of the matter, the Court resolved to partially grant the motion, and allow the accused to attend the wake today, tomorrow and Friday, August 11, 12 and 14, 2015 only from 4:00 pm to 8:00 pm,” nakasaad sa ruling na naipalabas kahapon ng Sandiganbayan 1st division.

Ang hakbang ay ginawa ng graft court bilang tugon sa 5 days furlough na nais ni Arroyo para mapunta sa burol ng kapatid.

Sa mosyon ni Arroyo, nais niyang payagan siya ng Sandiganbayan na makalabas ng Veterans hospital ng mula ala 1 ng hapon kahapon para makadalo sa misa sa burol na gagawin alas-2 ng hapon kahapon.

Una nang pinayagan si CGMA ng Sandiganbayan na madalaw ang may sakit na kapatid sa Makati Med sa loob ng 5 oras mula alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi pero dahil binawian na ng buhay ang kapatid ay minabuting 5 araw na lamang ang hingin nitong furlough para sa burol at libing ng kapatid.

Samantala nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya Macapagal.

“The nation lost an outstanding Olympian and a respected business leader with the passing of Arturo D. Macapagal this morning,” wika ni Communications Sec. Sonny Coloma.

ANG

ARTURO

ARTURO D

COMMUNICATIONS SEC

HERITAGE PARK

LARRY GADON

MACAPAGAL

MAKATI MED

MAKATI MEDICAL CENTER

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SANDIGANBAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with