SSS tumatanggap ng mga bagong empleyado
MANILA, Philippines – Inanunsiyo ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na tumatanggap sila ng mga aplikanteng nais maging kawani ng ahensiya para mailagay sa kanilang branch sa Central Luzon at sa lalawigan ng Romblon.
Ayon kay SSS regional information officer Maureen Inocecio, kabilang sa mga kailangan ng ahensiya ang mga service representative at clerk para sa Central Luzon.
Samantala sa Romblon ay kailangan ng service bureau personel para sa SSS Odiongan branch upang makatulong sa pagpapabuti ng kanilang operasyon sa buong lalawigan.
Ang mga qualified applicants ay dapat makapasa sa written exam saka ito isasalang sa final interview ng manager at kailangang isubmit na requirements.
Ang mga aplikante ay kailangang pure Filipino citizen, nagtapos ng bachelor’s degree, board passer o civil service commission professional level eligible at walang kamag-anak na empleyado o opisyal ng SSS.
- Latest