Marquez sumaludo sa SAF 44
MANILA, Philippines – Matapos ulanin ng mga batikos, bumawi si PNP Chief Director General Ricardo Marquez nang sumaludo at pangunahan ang selebrasyon ng “Memorial Day” na gumugunita sa kamatayan ng mga bayaning 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon.
Magugunita na sa ika-114th anibersaryo ng Police Service ay kapwa hindi binanggit nina Pangulong Aquino at Marquez ang kabayanihan ng 44 SAF commandos at inalis din sa listahan ng mga pararangalan ang ilan sa SAF troopers.
Ikinatwiran ng mga opisyal ng PNP na hindi ito umabot sa isinagawang ebalwasyon bagay na pinagdudahan ng ilang PNP officers, members, pamilya at mga kaanak ng SAF.
Kasama ni Marquez sa pagsaludo sa fallen 44 si SAF Chief P/Director Moro Virgilio Lazo.
Highlight ng okasyon ang ‘wreath laying ceremony’ o pag-aalay ng bulaklak at kandila sa SAF 44 na nasawi sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 kung saan napatay ang international terrorist na si Marwan.
- Latest




















