^

Bansa

Red tide alert sa Visayas at Mindanao

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) na mag-ingat sa pagkain ng mga shellfish sa apat na lugar na bahagi ng Visayas at Mindanao na natukoy na positibo sa red tide toxin.

Batay sa natanggap na shellfish bulletin ng DOH mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), bawal muna ang pangongolekta, pagkain at pagbebenta ng mga shellfish na makukuha sa limang coastal areas na kinabibilangan ng Balite Bay sa Mati, Davao Oriental; Dauis sa Bohol, Irong-irong Bay at Cambatutay Bay sa Western Samar, at coastal waters ng Milagros sa Masbate.

Ito’y matapos lumabas sa pagsusuri na ang mga shellfish, tulad ng tahong, halaan at talaba, na nakokolekta sa mga naturang lugar ay positibo sa red tide o paralytic shellfish poison.

Bukod dito, bawal din muna ang pangunguha ng alamang o shrimp fry dahil hindi ligtas ang mga ito para sa human consumption.

Nilinaw naman ng BFAR na maaaring kumain ng isda, pusit, hipon at alimango na galing sa naturang limang coastal areas, ngunit kailangang tiyaking ang mga ito ay sariwa, nahugasang mabuti, tinanggalan ng bituka at hasang at nilutong mabuti.

Inianunsyo rin naman ng ahensya na inalis na nila ang red tide alert sa coastal waters ng Mandaon sa Masbate matapos na matiyak na ligtas na ito sa red tide.

vuukle comment

ANG

BALITE BAY

BATAY

BOHOL

BUKOD

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CAMBATUTAY BAY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF HEALTH

MASBATE

WESTERN SAMAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with