^

Bansa

Krisel binigyan na ng GMC

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwede na ngayong pumasok sa kolehiyo si Krisel Mallari, ang salutatorian na pinigilan sa kanyang speech sa kanilang graduation rites.

Ito’y makaraang maglabas na ang Sto. Niño Parochial School (SNPS) ng Certificate of Good Moral Character (GMC) para kay Mallari.

Sa UST nakatakdang mag-enroll si Mallari matapos siyang makapasa bilang scholar sa accountancy program ng unibersidad, pero hindi siya makapag-enroll dahil ayaw siyang isyuhan ng GMC.

Pero nag-isyu man ng certificate of good moral para kay Mallari ay luma­labas na sumuway muna bago tumugon sa kautusan ng Court of Appeals (CA) ang mga opisyal ng SNPS kaya pinagpapaliwanag nito ang SNPS at ang school registrar na si Yolanda Casero kung bakit hindi sila dapat na patawan ng contempt at arestuhin.

Mayroon lamang 24 oras na ibinigay ang appellate court para sa mga respondent.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Maritonie Resur­reccion ng SNPS na kukuwestyunin nila kung saklaw ng korte ang pagpapalabas ng utos sa mga paaralan para makapagbigay ng certificate sa kanilang mag-aaral.

Una nang kinondena ng paaralan ang anila’y pakikialam ng CA sa de­sis­yon nilang huwag bigyan ng GMC si Mallari.

“This will become a precedent kaya kaila­ngan maliwanagan talaga na ‘pag ayaw mo bang mag-issue ng Certificate of Good Moral Character, pwede kang pilitin,” ani Resurreccion.

ACIRC

ANG

ATILDE

CERTIFICATE OF GOOD MORAL CHARACTER

COURT OF APPEALS

ITO

KRISEL MALLARI

MALLARI

MARITONIE RESUR

PAROCHIAL SCHOOL

YOLANDA CASERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with