^

Bansa

VP Binay kay Mar: ‘Mahihirap galit sa matapobre’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling binuweltahan ni Vice President Jejomar Binay si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas nang patungkulan niya ito bilang isang tao na nagmamaliit sa mahihirap.

“Ang mahirap, galit sa matapobreng mayaman,” sabi ni Binay sa kanyang pagsasalita sa isa niyang mga paglilibot sa bansa. Ginawa ni Binay ang pa­tutsada bilang reaksyon sa pahayag ni Roxas na “Kapatid ng sinungaling ang magnanakaw.”

Hindi ito unang pagkakataon na nakipagsagutan si Binay kay Roxas na isa sa potensiyal niyang makakalaban sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon bagaman malaki ang kalamangan ng bise presidente sa popularity survey sa mga opisyal ng gobyerno.

Noong nakaraang buwan, binatikos ni Binay si Roxas na nagsabing nakakatawa umano ang talumpati ng bise presidente hinggil sa kalagayan ng mga train commuter.

“Kung sa tingin ni Mr. Roxas ay nakakatawa ang mga sinasabi ko, gusto kong sabihin sa kanya, Mr. Roxas, na sa masang Pilipino, hindi nakakatawa ang araw araw ay hirap silang sumakay sa mga palpak na tren ng MRT. At lalong hindi nakakatawa na sa harap ng ipinagmamalaking pag-unlad, marami sa ating kababa­yan ang lubog sa hirap at nagugutom. Seryosong usapan to Mr. Roxas. Hindi katatawanan,” pahabol ni Binay.

Si Binay na nagbitiw na kamakailan sa admi­nistrasyong Aquino ay inaasahang magiging standard bearer ng United Nationalist Alliance sa halalang pampanguluhan sa 2016 habang si Roxas ay naghihintay pa ng kumpirmasyon kung ieendorso ito ni Pangulong Aquino.

Nagbigay din si Binay ng reaksyon sa mga ulat na pinagalitan umano ni Health Secretary Janet Garin ang mga orga­niser na nag-imbita sa Bise Presidente sa isang wor­kers’ convention.

“Iyon ang sinasabi nung mga inabutan ko doon, yong presidente. Siya ay tinawagan, pinagalitan, ‘Bakit mo naman inimbita si Bise Presidente?” Nakakalungkot. Hindi ko malaman bakit dumadating pa hanggang sa ganoong pagkakataon,” sabi pa ni Binay.

Inaasahan ni Binay na marami pang mangyaya­ring kahalintulad na pagtatrato ang mangyayari habang papalapit ang eleksyon.

“Naku, sangkater­ba pa. Sabi ko sayo, itong gobyerno na ‘to ay mapaghiganti. Buti napagalitan lang ito. Buti hindi inihabla,” dagdag niya.

Pagdating sa usapin sa Mamasapano, binigyang diin ng Bise Presidente na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng pamilya ng minasaker na SAF 44.

“Malungkot dahil yong hustisya na hinihingi ng mga pamilya, hanggang ngayon ay nakabitin pa. Ewan ko kung anong style ang ginagawa nila. Yong anibersaryo sinabayan pa nung kay President Aquino,” anang Bise Pre­sidente.

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRE

BISE PRESIDENTE

BUTI

HEALTH SECRETARY JANET GARIN

MGA

MR. ROXAS

ROXAS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with