Goring lumabas na, LPA binabantayan
Napanatili ng bagyong Goring ang lakas nito hanggang sa makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng hapon.
Huling namataan ng Pagasa si Goring sa layong 1,160 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 145 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na 180 kilometro bawat oras. Si Goring ay kumikilos pakanlurang direksyon sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Lumabas man si Goring sa PAR, patuloy namang nakakaranas ng mga pag-uulan ang northern Luzon dahil sa isang low pressure area (LPA).
Apektado ng dala nitong pag-uulan ang lalawigan ng Isabela, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte kasama na rin ang Batanes, Babuyan at Calayan group of island.
Higit umanong lalakas ang LPA oras na maapektuhan nito ang hanging habagat na siyang magdadala naman ng mga pag-uulan sa Metro Manila.
- Latest