^

Bansa

Kudeta vs Belmonte imbento lang-LP

Gemma Garcia/Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang pagtatangka na maalis sa kanyang puwesto si House Speaker Feliciano Belmonte.

Sinabi ni Liberal Party (LP) Secretary General at Samar Congressman Mel Senen Sarmiento, na wala siyang balak na palitan sa puwesto si Belmonte katulad nang mga ipinakakalat na balita sa Kamara.

Ayon kay Sarmiento, siya at ang lahat ng mi­yembro ng LP sa Kamara ay mayroong isang prinsipyo at lahat ng umano’y kudeta laban sa Speaker ay pawang kasinungali­ngan lamang upang magkahati-hati ang kanilang partido.

Paliwanag pa ng kongresista, na sumama ang mga miyembro ng LP sa administration party dahil sa iisang idealismo at prinsipyo.

Ginawa ni Sarmiento ang pahayag upang pabu­laanan na mayroong hakbang para patalsikin sa kanyang pwesto si Belmonte sa oras na bumalik ang sesyon sa Lunes.

Samantala, malaki naman ang tiwala ni Belmonte na hindi siya masisipa bilang lider ng Kamara.

Ayon kay Belmonte, anumang planong tanggalin biya bilang House Speaker ay hindi mangyayari.

Tiwala rin si Belmonte na matatapos niya ang kanyang termino kasama ang maraming accomplishments tulad ng pagpapatibay ng mahahala­gang panukala.

Si Belmonte ay nahalal bilang House Speaker noong 15th Congress at na-reelect para sa 16th Congress.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BELMONTE

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

LIBERAL PARTY

SAMAR CONGRESSMAN MEL SENEN SARMIENTO

SARMIENTO

SECRETARY GENERAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with