Gov’t offices whole day ngayon
MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Malacañang na may pasok pa rin ngayon (Miyerkoles Santo) sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, whole day pa rin sa lahat ng government offices sa araw na ito at hindi nagdedeklara ng half-day si Pangulong Aquino. Wala anyang katotohanan ang report na nagdeklara ng half-day sa araw na ito ang Pangulo bilang paggunita sa Semana Santa.
Samantala, sa araw na ito ay mag-iikot ang Pangulo sa Port of Batangas, NAIA Terminal 3 at bus terminal sa Pasay City upang masiguro na nailatag ng maayos ang mga safety measures para sa kaligtasan ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang lalawigan ngayong Holy Week.
- Latest