Imbitasyon kay PNoy sa Mamasapano iginiit
MANILA, Philippines – Hiniling ng Makabayan Bloc sa Kamara kay House Speaker Sonny Belmonte Jr. na obligahing padaluhin sa Mamasapano investigation si Pangulong Benigno “Noynoy Aquino” III.
Sa liham na ipinadala nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate, Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus, Kabataan Rep. Terry Ridon, Anakpawis Rep. Fernando Hicap, at ACT Rep. Antonio Tinio, hiniling ng mga ito kay Belmonte na atasan ang House Committee on Public Order and Safety na paharapin si Pangulong Aquino sa imbestigasyon sa Mamasapano na gagawin sa Abril 7 at 8. Partikular na nais malaman ng MAKABAYAN sa Pangulo ang kaalaman at partisipasyon nito sa Oplan Exodus na ikinasawi ng 67 na katao gayundin ang pakikialam umano ng Amerika sa operasyon sa Mamasapano.
Nais din malaman ng mga militanteng mambabatas kung bakit hinayaan at pinayagan ni Pangulong Aquino si dating PNP Chief Director Gen. Alan Purisima na manguna sa operasyon sa kabila ng suspensyon dito ng Ombudsman.
- Latest