^

Bansa

Panukala ni Trillanes aprub ni PNoy taas allowance sa PNP, AFP

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga unipormadong kagawad ng pamahalaan sa pulisya at militar, ina­prubahan na ni Presidente Noynoy Aquino ang panukalang batas ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes na dagdag sa kanilang subsistence allowance.

Nilagdaan ng Pangu­lo ang joint resolution na nagtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo, pulis at iba pang unipormadong kawani ng gobyerno.

“Matagal-tagal na rin mula noong huling tinaasan ang subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis. Bagaman napakahalaga ng kanilang papel sa pagpapanatili ng kapaya­paan sa ating bansa at napakalaki ng kanilang isinasakripisyo para sa atin, patuloy na napa­kababa ng sweldo ng ating mga uniformed personnel. Nagpapasa­lamat tayo at natugunan na ang kakulangang ito ng ating gobyerno,” ani Trillanes, pangunahing may-akda at isponsor sa Senado ng nasabing batas.

Pinasalamatan ni Trillanes si Pangulong Aquino sa patuloy nitong pangangalaga sa kapa­kanan ng mga sundalo at pulis, at pagkilala sa sakripisyo ng mga ito para sa bansa lalo na ngayong kabi-kabilang krisis ang hinaharap ng mga ito.

Umaasa rin si Trilla­nes na maiangat ang morale ng mga ito upang mas ganahan silang magsilbi sa bansa.

Sa ilalim ng bagong batas na ito, tatanggap ng P150 mula sa kasalukuyang P90 subsistence allowance ang mga mi­yembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); kadete ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Aca­demy (PNPA); Philippine Coast Guard (PCG) at mga kandidatong Coast Guard men, at mga uni­pormadong kawani ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) simula nitong Enero ng taon.

Dagdag pa ni Trilla­nes na chairman ng Se­nate committee on National Defense and Security, “Nawa sa pamamagitan ng batas na ito ay mapataas natin ang morale ng ating mga sundalo at mahikayat sila na ipagpatuloy ang kanilang mga sakripisyo para sa bayan.”

Samantala, pinagmamalaki rin nina Magdalo Reps. Gary Alejano at Francisco Ashley Acedillo, na kasama ni Trillanes na nag-akda ng resolusyon, ang tagum­pay na ito para sa mga sundalo at pulis.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

COAST GUARD

FRANCISCO ASHLEY ACEDILLO

GARY ALEJANO

MGA

SHY

TRILLANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with