Mayon muling nag-alburoto
MANILA, Philippines - Muling nag-alburoto ang bulkang Mayon matapos makapagtala ng 10 volcanic earthquake sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), bukod sa pagyanig nakataas pa rin ang paligid ng bulkan sa alert level 2 at patuloy ang moderate level ng magmatic unrest dakong 8:00 ng umaga kahapon.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang paglapit ng publiko sa 6 kilometer Permanent Danger Zone dahil sa banta ng pagguho ng bato, ash falls at banta ng pagsabog ng bulkan.
Itinuturing na ang Mayon ay isang active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito.
- Latest