^

Bansa

Bagyo hanggang signal no. 5 na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdesisyon na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astrono­mical Services Admi­nis­tration (Pagasa) na dagdagan ng hanggang signal number 5 ang kasaluku­yang signals na hanggang number 4 lamang na ginagamit sa pagbibigay babala sa publiko kapag may kalamidad sa ating bansa.

Ayon sa Pagasa, opis­yal nang gagamit ang ahensiya ng hanggang signal number 5 kapag ang bagyo ay isang super typhoon na may lakas ng hangin na lalampas sa 220 kilometro bawat oras.

Halimbawa dito ang bagyong Yolanda na isang super typhoon na may lakas ng hangin na umaabot sa 235 hanggang 275  kilometro bawat oras.

Ayon kay Esperanza Cayanana, hepe ng weather forecasting division ng Pagasa na patuloy naman nilang gagamitin ang public sotrm warning signal hanggang number 4 na na-adopt noong 1997 at na-revised noong 2010.

Signal 1 kapag may lakas ng hanging umaabot sa 30-60 kilometro bawat oras; signal 2, 61-100 kph; signal 3, 101-185 kph at signal 4, mahigit 185 kph.

AYON

ESPERANZA CAYANANA

GEOPHYSICAL AND ASTRONO

HALIMBAWA

NAGDESISYON

PAGASA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SERVICES ADMI

SIGNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with