^

Bansa

Suporta sa BBL malabo pa rin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit na inilabas na ang resulta ng imbestigasyon ng PNP-Board of Inquiry (BOI) kaugnay sa Mamasapano incident, hindi pa rin ito sapat para bumalik ang suporta ng mga kongresista sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz, mahihirapan ng pumasa pa ang BBL dahil sa pagkasawi ng SAF 44.

Bagamat nangako umano ang liderato ng Kamara na aayusin ang nasabing panukala ay malabo pa rin ito dahil marami pa rin katanu­ngan na naiiwan sa isipan ng publiko kahit na may resulta na ang BOI report.

Kaya mungkahi ni dela Cruz sa halip na bu­malang­kas ng bagong batas, dapat ay tingnan na lang ang umiiral na Organic Act at kung ano ang pagkukulang dito at saka na lamang amyendahan.

Hindi rin ito naniniwala sa sinasabi ni OPAPP Secretary Ging Deles na bigo ang eksperimento sa Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil mismong si ARMM Go­vernor Mujiv Hataman ang umano’y nagbibida sa kababayan nito na ang daming nangyaring mabuti sa kanilang lugar.

Kaya dapat din umano itong tanggapin ng Moro International Liberation Front (MILF) dahil kung sa tingin nila ay parte sila ng Pilipinas at nais na magkaroon ng kapayapaan sa Muslim Mindanao ay dapat nila itong tanggapin.

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO BASIC LAW

BOARD OF INQUIRY

CRUZ

KAYA

MORO INTERNATIONAL LIBERATION FRONT

MUJIV HATAMAN

MUSLIM MINDANAO

ORGANIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with