^

Bansa

House hearing sa BBL itinakda sa Abril 6

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinakda na ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro sa Abril 6 ang muling pagdinig ng Bangsamoro Basic Law (BBL) kahit na nakabakasyon ang sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Ad Hoc Committee chairman Rufus Rodriguez, inabisuhan na nito ang mahigit sa 70 miyembro ng komite kung saan sinasabing tatagal ang kanilang hearing hanggang sa Abril16.

Kabilang din sa inimbitahan para humarap dito sina DILG Sec. Mar Ro­xas, PNP OIC Leo­nardo Espina, CIDG Director Benjamin Magalong, Defense Sec. Voltaire Gazmin at AFP Chief Gregorio Catapang.

Ito ay dahil nais na makuha ng komite ang posisyon ng mga nasa­bing opisyal sa gagawing pagtatatag ng Bangsa­moro Police, operasyon ng militar sa Bangamoro gayundin sa decommissioning ng MILF.

Sa kabila nito, target pa rin ng komite na pagbobotohan ang BBL sa Abril 6 para maiaakyat na ito sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 4.

Para naman kay Mag­dalo partylist Rep. Gary Alejano, hindi maaaring buksan muli ang BBL hearing hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon sa Mamasapano incident dahil kailangang malaman kung hanggang saan ang na­ging papel ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naturang insidente.

ABRIL

AD HOC COMMITTEE

BANGSAMORO BASIC LAW

CHIEF GREGORIO CATAPANG

DEFENSE SEC

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

GARY ALEJANO

HOUSE AD HOC COMMITTEE

MAR RO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with