^

Bansa

Katotohanan sa Mamasapano lalantad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Katotohanan ang nilalaman ng Mamasapano report!”

Ito ang pinanindigan kahapon ni PNP-Board of Inquiry (BOI) Chairman P/Director Benjamin Magalong kaugnay ng resulta ng imbestigas­yon sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25.

“Katotohanan ang hinangad namin sa imbestigasyon, haharap kami sa tao na hindi kami nahihiya,“ pahayag ni Magalong sa minimit­hing hustisya para sa mga bayaning 44 SAF commandos.

Kahapon, natapos na ang PNP-BOI report at isinumite na ni Magalong ang kopya sa tanggapan ni PNP Officer in Charge P/Deputy Director Ge­neral Leonardo Espina.

Sinabi ni Magalong na 120 pahina ang PNP-BOI report na may pamagat na “The Mamasapano Report” na limang sets  o kabuuang 800 pahina na kanilang pinirmahan. Bukod kay Magalong kabilang pa sa signatory sa nasabing report ang mga miyembro ng PNP-BOI na sina P/Directors Catalino Rodriguez at John Sosito.

Kabilang naman sa bibigyan ng kopya ng report bukod kay Espina ang Department of Justice, Senado, Kamara at Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas na siya namang maghahatid ng kopya at mag-uulat  kay Pangulong Aquino.

Si Espina ang magsu­sumite ng report kay Roxas­ at nakasalalay naman sa Kalihim, ayon pa kay Magalong kung isasa­publiko ito.

Inamin naman ni Ma­galong, kasalukuyan ding Chief ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na na-pressure sila ng todo sa “The Mamasapano report” na iginiit pang base sa mga ebidensya at testimonya ang kanilang ulat.

“Kung kami lang ang tatanungin nyo, gusto na naming ilabas (result),” ani Magalong na sinabi pang maari rin naman nila itong ianunsyo pero kailangan pa ng clearance.

Inihayag pa ni Maga­long na hindi nakaapekto sa resulta ng kanilang imbestigasyon ang pahayag ni PNoy sa prayer meeting sa Malacañang noong Lunes hinggil sa pagsasabi nitong nabola lamang siya ng sinibak na si P/Director Ge­tulio Napeñas sa Oplan Exodus­ na naging kapalit ng buhay ng 44 SAF.

Ang Oplan Exodus ay isang isinikretong misyon upang hulihin ang wanted na Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan at Abdul Basit Usman.

Una nang lumitaw na kahit suspendido si da­ting PNP Chief P/Director Alan Purisima ay ito ang namuno sa operasyon na binasbasan ni Pangulong Aquino.

Ilang beses na ring naantala ang pagsu­sumite ng Mamasapano report.

Pebrero 26 unang inasahang mailalabas ang report pero na­urong ito sa Marso 6. At noong Biyer­nes, sina­bing Lunes ito isusumite pero hindi rin natuloy.

ABDUL BASIT USMAN

ANG OPLAN EXODUS

MAGALONG

MAMASAPANO

PANGULONG AQUINO

REPORT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with