^

Bansa

AFP vs BIFF: 25 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo at 23 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang sa serye ng magkakahiwalay na bakbakan kamakalawa hanggang kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, ang 23 pang BIFF members ay napatay sa bakbakan sa hangganan ng Datu Salibo at Datu Piang simula nitong Martes ng hapon.

Nakasagupa ng Army’s 1st Mechanized Infantry Battalion ang nasa 50 BIFF rebels sa Brgy. Pusaw sa Shariff Saydona Mustapha at Mamasapano. Tumagal ang bakbakan hanggang ala-1 ng madaling araw kahapon.

Bukod sa BIFF, target ng operasyon ang Pinoy bomb expert na si Abdul Basit Usman, limang hinihinalang Jemaah Islamiyah (JI) terrorist at ang grupo ni Mohammad Ali Tambako, lider ng bagong teroristang grupo na Justice for Islamic Movement (JIM).

Ang JIM ang sinasabing nagkakanlong sa limang teroristang dayuhan at kay Usman.

Si Tambako ay dating lider ng BIFF na tumiwalag at nagtayo ng grupong JIM.

Sa kabila nito, ikinokonsidera ng militar na BIFF pa rin ang grupo ni Tambako dahil sa magkakamag-anak ang naturang mga grupo.

Sa tala ng militar, umpisa noong ilunsad ang all out offensive noong Pebrero 21 ay nasa 96 BIFF na ang napapatay, marami ang nasugatan habang anim sa mga sundalo ang nagbuwis ng buhay at 31 pa ang nasugatan.

ABDUL BASIT USMAN

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BIFF

DATU PIANG

DATU SALIBO

HAROLD CABUNOC

ISLAMIC MOVEMENT

JEMAAH ISLAMIYAH

MECHANIZED INFANTRY BATTALION

MOHAMMAD ALI TAMBAKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with