^

Bansa

MILF commander nagging protektor ni Marwan – Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang inakusahan kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano si Moro Islamic Liberation  Front (MILF) Commander Wahid Tundok na siya umanong naging protektor ng te­roristang si Zulkifli bin Hir, alias “Marwan.”

Sa kanyang privilege speech, muling inungkat ni Cayetano ang pagbibigay ng proteksiyon ng MILF sa te­roristang si Marwan na napatay sa operasyon ng Special Action Force sa Mamasapano noong Enero 25.

Nagpakita pa si Ca­yetano na isang slide presentation kung saan ipinapakita si Tundok ng 118th Base Command ng MILF na kabilang umano sa mga nakipaglaban sa SAF.

Ayon pa kay Caye­tano, si Tundok ay isa sa mga pinaka senior na mandirigma ng MILF.

“Siya (Tundok) ay me­rong patong-patong na kaso multiple murder, arson robbery at iba’t iba pang krimen,” ani Ca­yetano.

Samantala nagbabala rin si Cayetano na patuloy na nagpapalakas ng pu­wersa ang MILF.

Marami aniyang grupo ang nagpapalakas ng kanilang armories matapos ang insidente sa Mamasapano.

Sabi ni Cayetano na may mga nakausap siyang ilang mayors na nagsasabing muling binuksan ng MILF ang kanilang mga kampo at nag-iipon sila ng mga armas.

Dumalo naman at nakinig sa privilege speech ni Cayetano ang ilan sa mga balo at kamag-anak na naiwan ng SAF 44.

Muli ring binanatan rin ni Cayetano ang peace panel ng gobyerno na nagmimistula umanong tagapagtanggol ng MILF.

vuukle comment

BASE COMMAND

CAYETANO

COMMANDER WAHID TUNDOK

MAMASAPANO

MARWAN

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION

PETER CAYETANO

TUNDOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with