National Museum makikialam sa natagpuang barko ng Japan
MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakikipag-ugnayan na ang National Museum sa grupo ng co-founder ng Microsoft na si Paul Allen na nakatuklas sa lumubog na barko ng Japan noong Word War II na tinatawag na Musashi.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, susundin ang batas ng bansa tungkol sa underwater archaeological sites matapos matagpuan ang nasabing lumubog na barko sa karagatan ng Romblon.
Sinabi ni Valte na ang National Museum ang dapat mangunang ahensiya ng gobyerno base na rin sa Republic Act 10066.
Dagdag ni Valte na iba-iba ang patakaran ng mga bansa tungkol sa mga archeological sites kaya mahalagang makausap ang grupong nakatuklas sa barko ng Japan.
Tiniyak rin nito na mayroong batas na magagamit sa nasabing partikular na isyu at dapat itong masunod.
May mga nauna ng grupo ng naghanap rin sa barkong Musashi at marami na ring barkong pandigma ng Hapon na lumubog sa karagatan ng Pilipinas noong World War II ang natagpuan.
- Latest