^

Bansa

Bagong terrorist group lumutang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinabahala kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglutang ng bagong sibol na teroristang grupo na nakipag-alyansa sa Jemaah Islamiyah (JI) terro­rist sa Central Mindanao.

Ayon kay AFP spokesman Col. Restituto Padilla, maaring lumikha ang grupo ng malaking bilang ng mga casualties dahil eksperto ang mga ito sa pambobomba.

Sinabi ni Padilla na ang grupo ay kumalas sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)at nagtayo ng Justice Islamic Movement (JIM).

Ang JIM ay pinamu­munuan ngayon  ni Commander Tambako na na­kipag-alyansa sa Pinoy bomb expert na si Abdul Basit Usman at namonitor na kasamang tumatakbo ng 5 JI terrorist na ki­nabibilangan ng apat na Indonesian at isang Arabo sa all out offensive ng tropa ng militar sa Mamasapano, Maguindanao kamakailan.

Ang BIFF ang tumiwalag na grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tutol sa peace talks sa pamahalaan kaya nagsasagawa ng pananabotahe.

Ayon kay Padilla tinutukoy na sa ngayon ng militar ang pagkakakilanlan sa limang dayuhang terorista na unang napa­balitang kinakanlong ng BIFF.

Napag-alaman na hin­di magawang iwan ng grupo ni Tambako ang grupo ni Usman dahil sa mga ito sila kumukuha ng kaalaman at nagsasanay sa paggawa at pagpapa­sabog ng mga Improvised Explosive Device (IED).

Samantala, hindi naman malayong makihalubilo ang mga naiwang miyembro ng BIFF sa MILF lalu’t magkakadugo at magkakamag-anak ang mga ito.

ABDUL BASIT USMAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER TAMBAKO

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JEMAAH ISLAMIYAH

JUSTICE ISLAMIC MOVEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with