^

Bansa

Amyenda sa BBL ‘di na kokontrahin ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na kokontrahin ng Malacañang ang desisyon ng mga mambabatas na amyendahan ang ilang probis­yon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Partikular dito ang pagkakaroon ng sariling police force at constitutional body na ayon sa mga mambabatas ay labag sa Konstitusyon.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, lahat ng mga batas na ipinapasa ng Kongreso ay dapat tumatalima sa saligang batas.

Sa kabila nito, nagkakaisa ang Ehekutibo at Kongreso sa layuning ipasa ang BBL bilang mahalagang hakbang sa prosesong pangkapayapaan.

Una nang iginiit ni Pangulong Aquino sa mga kongresista na ipasa ang orihinal na bersyon ng BBL na dumaan sa masusing pagsusuri ng legal team ng Palasyo.

BANGSAMORO BASIC LAW

COMMUNICATIONS SEC

EHEKUTIBO

KONGRESO

KONSTITUSYON

MALACA

PANGULONG AQUINO

SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with