^

Bansa

Tama ni Jolo self-inflicted

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si ProGun acting secretary general Atty. Ernesto Tabujara na “self-inflicted” ang tinamong sugat ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla mula sa kalibre .40 nito.

Ayon kay Tabuja­ra, pinag-aralan niya ang pagkakabaril kay Jolo batay sa tinamong sugat sa kanang bahagi ng katawan at ang pagiging right-handed nito.

“Sa tingin ko, based on the report on the trajectory ng baril at sa tama niya sa chest, feeling ko ito ay self-inflicted. Medyo (sinadya). Kung mayroon mang aksidente, parang napakaibang aksidente ‘yun. Baka may ibang tao, di natin alam.

“Mukhang malabo rin kasi ang posisyon kasi ‘pag humahawak ng baril, usually naka-point away sa tao... ‘pag tinamaan ka sa chest, dapat ‘yung position mo medyo weird,” sabi ni Tabujara.

Nauna ng sinabi ng pamilya Revilla sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Atty. Raymond Fortun, na aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili habang nililinis nito ang government-issued na armas sa bahay ng inang si Bacoor, Cavite Rep. Lani Mercado sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City nitong Sabado ng umaga.

Nabatid na sumulat ang pulisya sa kampo ng pamilya Revilla upang i-turn-over na sa kanila ang baril na sinasabi nilang nakaaksidente kay Jolo at hanggang ngayon ay hindi pa sa kanila isinusuko.

Kahapon, sinabi ng pamilya Revilla na anumang oras ay ibibigay na nila sa binuong composite team ng Southern Police District ang natu­rang armas.

Kapag na-turn-over na sa kanila ang baril, dito nila malalaman kung lisensiyado ba ang baril.

Inaalam naman ng pulisya kung bakit hindi kaagad ini-report sa Muntinlupa City Police ang insidente.

Nakasaad sa batas na anumang nangyaring krimen o insidente ay dapat agad inirereport sa pulisya.

vuukle comment

AYALA ALABANG VILLAGE

CAVITE REP

CAVITE VICE GOV

ERNESTO TABUJARA

JOLO

JOLO REVILLA

LANI MERCADO

MUNTINLUPA CITY

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with