^

Bansa

Brownout sa ilang probinsiya umpisa na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakaranas ng 10 oras na brownout ang mga residente sa ilang bahagi ng Pampanga ngayong araw, Marso 1.

Ito ay base sa ipinalabas na advisory kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang tanggapan ay nasa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ayon sa NGCP kabilang sa maapektuhan ang Mexico, Arayat, Magalang at Mabalacat, na inaasa­hang mawawalan ng supply ng kuryente simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas- 6:00 ng gabi.

Paliwanag ng NGCP na ang mararanasang power interruption ay para bigyang daan ang pagpapalit ng insulators sa kahabaan ng Mexico-Clark 69-kilovolt line at preparatory works para sa alternate line na gagawin ng PELCO I at isasagawang preventive maintenance sa Plaza Luman, Arayat substation.

Bukod sa lalawigan ng  Pampanga ay nakaranas din ng mahabang oras na brownout kahapon ang ilang bahagi ng Misamis Oriental dahil din sa emergency shutdown ng 69 kilovolt line sa Lugait-Carmen kaya ang mga residente dito ay nakaranas ng brownout mula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi noong Biyernes.

ARAYAT

AYON

BIYERNES

BONIFACIO GLOBAL CITY

MISAMIS ORIENTAL

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

PAMPANGA

PLAZA LUMAN

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with