Kabataan bigyang halaga ang Kuwaresma - CBCP
MANILA, Philippines — Kabataan ang puntirya ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na makuha ang pansin upang hindi ipagwalang-bahala ang tunay na diwa ng Kuwaresma.
Paalala ni Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY), sa mga magulang at mga nakatatanda na ipaunawa sa mga kabataan ang kaukulang pagpapahalaga sa Semana Santa.
Ito’y dahil kasabay ng panahon ng Kuwaresma ang bakasyon kung saan naghahanap ng mapaglilibangan ang mga kabataan.
Sa halip na maghanap ng puro kasiyahan, dapat aniya na bigyan ding panahon ang 40-araw na Kuwaresma na nagsimula noong Ash Wednesday.
Ang kahulugan nito ay ang paggunita at pagsasabuhay ng mga pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
- Latest