^

Bansa

Misis ni Enzo Pastor, kasuhan na – DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sapat ang ebidensiya laban kina Dahlia Guerrero Pastor, misis ng international racing champ na si Ferdinand “ Enzo”  Pastor at Domingo “Sandy” de Guzman upang sampahan ng kasong murder bunsod na rin ng pagpatay kay Enzo noong nakaraang taon.

Ito ang nakasaad sa 13-pahinang resolution ni DOJ Assistant State Prosecutor Susan Villanueva kung saan sinasabi na may probable cause upang madiin sa kasong parricide si Dahlia, habang murder naman sa pangunahing suspek na si de Guzman.

Matatandaan na Hunyo 12, 2014 nang maga­nap ang  pamamaslang kay Enzo na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa ulo at batok habang sugatan naman si Salazar.

Patungo sa Clark si Enzo kasama ang kanyang  assistant na si Paolo Salazar para sa final leg ng  kompetisyong Asian V-8 Championship nang pagbabarilin ng riding-in- tandem sa panulukan ng Visayas at Congressional Avenue sa Quezon City.

Sa pahayag ni Salazar, nakahinto sila nang lapitan sila ng mga suspek at paputukan ng ilang beses si Enzo.

Ang pulis naman na si Edgar Angel ay nangum­pisal na siya ang gunman sa utos ni de Guzman.

Sinasabi namang may relasyon sina de Guzman at Dahlia kaya lumilitaw na “love triangle” ang motibo ng pamamaslang.

Nagbigay ng kanyang testimonya si PO2 Angel kung saan itinuro niya si de Guzman na mastermind ng  krimen subalit binawi rin sa pahayag na pinilit lamang siya ng mga pulis.

Una nang kinasuhan ng DOJ ng murder sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang gunman na si Angel.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, hepe ng National Pro­secution Service (NPS), isasampa ang kaso laban kina Dahlia at de Guzman sa QCRTC.

vuukle comment

ASIAN V

ASSISTANT STATE PROSECUTOR SUSAN VILLANUEVA

CONGRESSIONAL AVENUE

DAHLIA GUERRERO PASTOR

EDGAR ANGEL

ENZO

GUZMAN

NATIONAL PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with