^

Bansa

3 Malaysian JI terrorists kinakanlong ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong kilabot na Malaysian Jemaah Islamiyah (JI) terrorist ang naispatan ng assault team ng Army troopers na umaayuda sa mga bandidong Abu Sayyaf Group sa bakbakan kaugnay ng inilunsad na all out offensive ng militar sa Sulu.

Sinabi ni Capt. Rowena Muyuela, spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command, nakarating na sa kanilang tanggapan ang report mula sa ground troops mula sa Sulu.

“The military received information that 3 Malaysian Jemaah Islamiyah operatives were seen in today’s clash in Patikul, Sulu,” ani Muyuela. Ang JI ang Southeast Asian base terror network na naitatag ng Al Qaeda.

Kahapon dakong alas-9:15 umaga ay muling nakasagupa ng 14th Scout Ranger Company  (SRC) ang grupo ni Sayyaf sub-commander Sawadjaan sa Sitio Kanjimaw, Brgy. Tugas, Patikul, Sulu.

Tumagal ang labanan ng mahigit 15 minuto. 

Bineberipika pa ang napaulat na sugatang nakatakas si Sawadjaan.

Sa kasalukuyan ay nasa 16 na ang nasawi sa all out offensive ng Joint Task Group (JTG) Sulu sa pamumuno ni Col. Alan Arrojado laban sa Abu Sayyaf na nag-umpisa kamakalawa.

Sa 16 nasawi, dalawa rito ay mga sundalo at 14 bandido habang 35 ang nasugatan kabilang ang 19 sa Abu Sayyaf at 16 sa hanay ng gobyerno.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AL QAEDA

ALAN ARROJADO

JOINT TASK GROUP

MALAYSIAN JEMAAH ISLAMIYAH

PATIKUL

ROWENA MUYUELA

SAWADJAAN

SCOUT RANGER COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with