Oratio Imperata para sa Mamasapano gawin - CBCP
MANILA, Philippines – Isasama ng Simbahang Katolika ang pagdarasal ng Oratio Imperata para sa katahimikan sa kaguluhan na naganap sa Mindanao partikular na sa Mamasapano.
Sinabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, nakiusap siya sa lahat ng simbahang katolika na magdasal ng Oratio Imperata.
Kada misa gagawin ang Oratio para matigil na ang kaguluhan at magkaroon ng kapayapaan sa mga pamilya ng biktima ng Mamasapano massacre.
Ang dasal ay sasambitin simula Marso 1 hanggang 28 at ito ay mahalaga dahil sa marami ang mga hindi pa natatahimik at nalilinawan sa nangyaring insidente.
Ang Oratio Imperata ay isang mabisang dasal sa simbahang katolika kapag ang isang bansa ay nakakaranas ng matinding kalamidad.
- Latest