‘Unity walk’ para sa Mamasapano idinaos
MANILA, Philippines – Nagsagawa ng “unity walk” ang nasa 300 militanteng kabataan para sa paghahanap ng katotohanan at managot ang may kasalanan sa pagkasawi ng 44 PNP-Special Action Force troopers sa Mamasapano massacre.
Mula “Kilometer Zero” marker sa Luneta ay naglakad ang mga kabataan patungong Ermita Church bitbit ang banner na Unity Walk for Truth and Accountability.
Suot ng grupo ang mga itim na armband at puting t-shirt na may katagang “#Nasaan Ang Pangulo”.
Bandang alas-12:00 naman ng tanghali nang mag-umpisa ang programa ng EDSA II Beinte Dos (2.22.15) Coalition ng 60 nagsanib-pwersang civil society groups sa isang improvised stage gamit ang isang 10-wheeler truck sa ilalim ng Ortigas Flyover northbound.
Ito’y matapos mabigo ang grupong magdaos ng programa sa entablado ng EDSA Shrine dahil maagap itong binakuran ng hilera ng plastic barriers at pinuwestuhan ng mga pulis at sundalo mula EPD, Army at BJMP.
- Latest