92% ng mga barangay sa Metro Manila drug-affected - PDEA
MANILA, Philippines – Higit 8,000 barangay sa bansa ang may sirkulasyon ng ilegal na droga, ayon sa Philippine Enforcement Agency (PDEA).
Sinabi ng PDEA na nasa 20.51 porsiyento o 8,629 barangay mula sa 42,065 na barangay sa bansa ang may drug-related cases.
Sinasabing drug-affected ang isang barangay kung mayroong drug user, pusher, manufacturer, marijuana cultivator.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga barangay na drug-affected.
Nagtala ang Metro Manila ng 92.10 porsiyento, habang sumunod ang Region4A (Southern Tagalog) na may 33.78 porsiyento.
Shabu at Marijuana pa rin ang pinaka-inaabusong droga, ayon sa PDEA.
Naglalaro ang bawat gramo ng shabu sa P2,000 hanggang P10,000 habang P18 hanggang P300 naman ang bawat gramo ng marijuana depende sa lugar.
- Latest