^

Bansa

Tig-P100K sa Fallen 44 ipinamahagi ng Makati

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagkalooban kahapon ng pamahalaang lunsod ng Makati ng tig-P100,000 tulong ang pamilya ng mga nasawing 44 miyembro ng PNP-Special Action Force na napatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Magkasamang sinalubong nina Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay at ng ama niyang si Vice President Jejomar C. Binay ang mga pamilya ng Heroes 44 sa isang parangal sa Session Hall sa 22nd Floor ng Makati City Hall.

Tiniyak ni Binay sa mga pamilya na hindi sila  nag-iisa sa paglaban nila para sa katarungan at paghahanap ng kapayapaan. “Sinusuportahan kayo ng mamamayan at ng pamahalaang lunsod ng Makati,” sabi pa ni Binay.

Bukod sa tulong-pinansiyal, nagkaloob din ang pamahalaang-lunsod ng college scholarship sa University of Makati (UMak) para sa mga anak o kapatid ng napatay na mga commando.

Hinikayat ng alkalde ang nagluluksang mga pamilya na manatiling matapang at ipagpatuloy ang pagha­hangad sa magandang kinabukasan na nais ng kanilang yumaong mga bayani.

“Panatilihin ang kanilang alaala pero huwag kaligtaan ang mga pangarap na pinagbahaginan at binuo niyo nang sama-sama noong nabubuhay pa sila,” sabi ng batang alkalde.

vuukle comment

BINAY

MAKATI

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN S

SESSION HALL

SPECIAL ACTION FORCE

UNIVERSITY OF MAKATI

VICE PRESIDENT JEJOMAR C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with