^

Bansa

TRO sa Palawan recall polls, ikinasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni Puerto Prinsesa City Mayor Lucilo Bayron sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ng temporary restraining order  (TRO) para itigil ang recall election sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Atty. Teddy Rigo­roso, abugado ni Bayron, nagkaroon ng  pag-abuso sa kapangyarihan ang Commission on Election (Comelec) nang payagan nito ang recall elections gayung may mga depekto ang petisyon.

Ikinasa ang recall election ng isang Alroben Goh noong Marso 17, 2014 kung saan siyam na buwan matapos na manalo si Mayor Bayron.

“Recall elections are part of the democratic experience. However, it can also be a double-edged sword. Rightly used, it can promote greater good.  Wrongly used, it can result in greater evil. The recall election petition against Mayor Bayron falls under the latter ca­tegory,” ayon kay Rigoroso

Kabillang sa mga paglabag ng Comelec ay ang pre-mature na pag-apruba, kabiguan ng magkaroon ng independeng ebalwasyon ng mga lumagda sa petis­yon, pag-apruba sa kabila ng paliwanag ng ilang lu­magda na hindi nila alam ang laman nito, at pagkabigo na maabot ang  por­ysento ng mga lumagda.

“The Comelec is about to implement the grossly infirm recall election such that there is a paramount necessity for the high court to issue an injunction to prevent serious and irreparable damage and prejudice to Mayor Bayron and the people of the Puerto Princesa, Palawan,” dag­dag pa nito.

ALROBEN GOH

AYON

BAYRON

COMELEC

MAYOR BAYRON

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINSESA CITY MAYOR LUCILO BAYRON

SUPREME COURT

TEDDY RIGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with