^

Bansa

‘Great wall’ sa Pangasinan pinabubuwag sa DENR

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang residente ng Lingayen, Pangasinan ang humiling sa Department of Environment and Natural Resources na ipatigil at buwagin ang itinata­yong tatlong kilo­metrong konkretong pader sa baybaying lugar ng mga barangay ng Estanza, Sabangan, Maimpuec at Capandaan na hinihinalang may nagaganap na magnetite mining.

Ayon sa sulat ni Rolando Rea kay DENR Secretary Ramon Paje, ang anim na talampa­kang taas na pader na itinayo mula noong 2012 ng pamahalaang panlalawigan at guwardiyado ng mga armadong tao ay naging sanhi umano para hindi makapunta ang mga mahihirap na residente sa dagat na pinagkukunan nila ng kanilang kabuhayan.

Si Rea ay isa sa complainant sa black sand mining case laban kay Pangasinan Gov. Amado Espino.

Halos limang taon nang nakatayo ang nasabing pader upang maitago umano ang black sand mining operations sa dalampasigan.

Sinabi pa niya na ang pagsasampa niya ng reklamo laban sa illegal magnetite mining operations sa coastal town ay naging batayan upang sibakin sina Provincial Administrator Rafael Baraan at Alvin Bigay ng provincial housing urban develop council office dahil sa grave misconduct.

ALVIN BIGAY

AMADO ESPINO

AYON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

PANGASINAN GOV

PROVINCIAL ADMINISTRATOR RAFAEL BARAAN

ROLANDO REA

SECRETARY RAMON PAJE

SI REA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with