^

Bansa

‘Assassination attempt’ kay Pope ‘di totoo – Vatican

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Vatican na merong assassination attempt laban kay Pope Francis kaugnay sa pagbisita nito sa Pilipinas nitong Enero.

Ayon kay Vatican spokesman Father Federico Lombardi na nakarating din sa kanila ang naturang mga haka-haka na merong tangka sa buhay ng Santo Papa.

Subalit mismong si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle raw ang nagpaliwanag sa kanila na wala itong katotohanan.

Aniya, mahirap na kumpirmahin ang ulat dahil nakabatay umano ito sa intelligence report ng   pamahalaan.

Sabi ni Fr. Lombardi, naniniwala sila sa impormasyon ni Cardinal Tagle dahil may maganda itong mga sources sa Pilipinas.

Noong Lunes sinabi ni dating SAF Director Getulio Napeñas na kabilang umano sa naging plano ng international terrorist at bomb-maker na si Zulkifli bin Hir alias Marwan bago ito napatay ay magtanim ng bomba sa dadaanang convoy ni Pope Francis sa T.M. Kalaw St., Luneta Park sa Maynila.

Giit ni Napeñas na bagamat hindi ito nakumpirma, nakatanggap naman ng ganitong impormasyon ang pulisya.

Kung maaalala noong Enero 18 isinagawa ang Papal mass sa Rizal Park, na nagtala ng record crowd nang anim hanggang pitong milyon.

CARDINAL TAGLE

DIRECTOR GETULIO NAPE

ENERO

FATHER FEDERICO LOMBARDI

KALAW ST.

LUNETA PARK

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

NOONG LUNES

PILIPINAS

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with