^

Bansa

HDO vs solon sa ‘pork’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ang Sandiganbayan ng hold departure order laban kay Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete para hindi ito makalabas ng bansa mula ngayon matapos makitang malakas ang ebidensiya na nagdidiin dito kaugnay ng pork barrel scam.

Si Lanete ay isa sa limang dating mambabatas na kabilang sa second batch ng solons na kinasuhan ng graft at plunder ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Sinasabing si Lanete ay tumanggap ng komisyon na umaabot sa P108.405 milyon mula sa kanyang pork na ipinondo sa pekeng NGO ni Janet Napoles noong 2004 hanggang  2010.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa ng graft at plunder laban sa second batch ng mga mambabatas na si dating Rep. Lanete at apat na iba pa na sina dating APEC Party-list Rep. Edgar Valdez, Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur, Samuel Dangwa ng Benguet at Constantino Jaraula ng Cagayan de Oro City.

AGUSAN

CONSTANTINO JARAULA

EDGAR VALDEZ

JANET NAPOLES

MASBATE GOVERNOR RIZALINA SEACHON-LANETE

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

ORO CITY

RODOLFO PLAZA

SAMUEL DANGWA

SANDIGANBAYAN

SI LANETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with