28 SAF iniligtas ng MILF sa Mamasapano clash
MANILA, Philippines – Taliwas sa paratang ng karamihan, sinubukan umanong iligtas ng Moro Islamic Front (MILF) ang mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano clash nitong nakaraang buwan, ayon kay MILF peace panel chair Mohagher Iqbal.
Sinabi ni Iqbal sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senado na nakapagligtas pa nga sila ng 28 miyembro ng PNP-SAF.
"They were already being fired upon by unidentified armed groups. The 28 SAF are alive today because of the efforts of the MILF," pahayag ni Iqbal.
BASAHIN: MILF kalaban pa rin ng gobyerno?
Ayon pa kay Iqbal ay sinubukang pigilan ng mga tauhan ng MILF ceasefire committee ang putukan bandang 6:30 ng umaga, ngunit natagalan dail sa problema sa komunikasyon.
Pinabulaanan din ng MILF chief na itinatago nila ang Malaysian terrorist at bomb expert Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan, at Basit Usman.
"The MILF has no links with these terrorists and terrorist organizations. Marwan and Usman were outside MILF controlled areas," giit ni Iqbal.
Umalma rin si Iqbal sa pagsisi sa kanilang hanay sa pagkasawi ng 44 miyembro ng SAF.
"The delicate task of finding out who did what, especially the reported atrocities cannot be immediately be blamed on the MILF. That would be unfair. We need to investigate."
Ito ang unang pagkakataon na humarap sa imbestigasyon si Iqbal matapos hindi siputin ang unang dalawang sesyon ng Senado at ng sa Kamara kahapon.
- Latest