^

Bansa

Walang kasamang US forces – Napeñas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iitinanggi kahapon sa pagdinig sa Senado ang mga alegasyon na may kasamang mga sundalong Amerikano ang PNP-Special Action Force ng lumusob sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon, itinanggi ni dating PNP-SAF Director Getulio Napeñas na tinulu­ngan sila ng US forces sa ginawang ope­rasyon sa Mamasapano kung saan 44 nilang mi­yembro ang napatay.

Pero inamin nito na humingi siya ng tulong sa puwersa ng Amerika na naka-base sa Zamboanga sa paglilikas ng mga sugatang miyembro ng SAF.

“We were receiving reports na may mga casualties… I took the initiative na humingi ng tulong dun sa US forces based do’n sa Zambanonga to provide us medical evacuation using their helicopter,” ani Napeñas.

Isinangkalan ni Na­penas ang ongoing na military exercise ng Pilipinas at Amerika sa paghingi ng tulong sa puwersa ng Amerikano.

Tinanong naman ni Senate President Franklin Drilon kung alam ng FBI ang operasyon bago isagawa ang paglusob sa Mamasapano.

Pero ayon kay Na­penas hindi niya alam kung alam ng FBI ang gagawin nilang operasyon.

Samantala, inamin naman ni AFP chief Ge­neral Gregorio Catapang Jr. na nakatanggap sila ng impormasyon na kinukupkop ng MILF ang napatay na teroristang si Zulkifli bin Hir alias Marwan at Basit Usman.

Ang dalawang tero­rista ang target ng operasyon ng SAF sa Mamasapano.

AMERIKA

AMERIKANO

BASIT USMAN

DIRECTOR GETULIO

GREGORIO CATAPANG JR.

MAMASAPANO

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with