^

Bansa

Killer ng rookie cop, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ng operatiba ng Manila Police District-District Police Intelligence Operations Unit (MPD-DPIOU)  ang isa sa apat na akusado sa pagpatay sa isang bagitong pulis na dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office –Regional Public Safety Battalion (RPSB) noong Marso ng nakalipas na taon.

Sa ulat ni Senior Inspector Rizalino Ibay Jr, hepe ng DPIOU, may isang linggong surveillance bago nila naaresto ang suspek na si Vincent Bona , alyas   Vincent Belmonte, 32 , at residente  ng Interior 45 Perla st., Tondo, Maynila. Isa siya   sa apat na nagplano at mismong kasama sa pamamaril sa biktimang si PO1 Jessy Boy Lorenzo, na napatay noong Marso 19, 2013 ng madaling araw.

Malapitang binaril sa ulo si PO1 Lorenzo habang nakatuon ang pansin sa pagpapa-load sa kaniyang cellphone sa isang sari-sari store sa Chesa St., dahil pa-duty na ito. Nang bumulagta ito ay tinangay pa ng apat na suspek ang service firearm nito.

Pinangunahan ng grupo ni Ibay at ni Insp. Edward Samonte ang pagmamanman sa lugar kung saan umano namataan ang suspek hanggang sa matiyempuhan ito alas- 9:30 ng gabi kamakalawa    sa Perla St.

Bitbit ng mga operatiba ang warrants of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 45, sa kasong murder at Mla. RTC Branch 2 sa kasong attempted homicide laban sa suspek. Kasalukuyan siyang nakapiit sa MPD Integrated Jail.

vuukle comment

CHESA ST.

EDWARD SAMONTE

INTEGRATED JAIL

JESSY BOY LORENZO

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATIONS UNIT

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MARSO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PERLA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with