^

Bansa

Pagbitay sa Pinay drug mule sa Indonesia, ipinagpaliban

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaligtas pansamantala sa takdang pagbitay ang isang umano’y Pinay drug mule matapos na ipagpa­liban ng Indonesian government ang eksekusyon.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, napigil ang pagbitay sa Pinay na hindi tinukoy ang pangalan makaraang hilingin ng pamahalaan na ma-review ang kaso nito.

Inihain ng Pilipinas ang petisyon para sa judicial review sa Indonesian District Court upang hilinging repasuhin ang kaso ng Pinay at mapababa ang kanyang sentensya. May bagong argumento umanong ipapasok ang pamahalaan para sa posibilidad na mabaligtad ang unang desisyon ng korte.

Ang nasabing Pinay na nasa death row sa Indonesia ay napatunayang nagkasala dahil sa pagpupuslit ng kilu-kilong ilegal na droga noong 2010.

Sa rekord, dinakip ng Customs and Excise Authorities ang Pinay matapos na makuha sa kanyang pag-iingat ang 2.6 kilo ng heroin sa  Audisucipto International Airport sa Yogyakarta noong Abril 24, 2010.

Hinatulan ng bitay ang Pinay noong Oktubre 11, 2014 sa drug traffikcing sa kabila ng apela na mapatawan na lamang siya ng habambuhay na pagkabilanggo. 

Sa rekord, may 112 OFWs ang nahaharap sa bitay sa iba’t ibang bansa na karamihan ay dahil sa drug smuggling.

ABRIL

AUDISUCIPTO INTERNATIONAL AIRPORT

AYON

CUSTOMS AND EXCISE AUTHORITIES

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN CHARLES JOSE

HINATULAN

INDONESIAN DISTRICT COURT

INIHAIN

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with